Krames by WebMD Ignite
Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-iwas sa Pagkatumba

Maaaring mangyari ang mga pagkatumba dahil sa pagkadulas, pagkatisod, o pagkawala ng iyong balanse. Milyun-milyong tao ang natutumba bawat taon at nasasaktan ang kanilang mga sarili. Sa mga mas nakatatanda sa U.S., pinakakaraniwang sanhi ang mga pagkatumba ng mga traumatikong pinsala sa utak. Bawat 20 minuto, isang mas nakatatandang adulto ang namamatay dahil sa pagkatumba. Narito ang mga paraan upang mabawasan ang iyong panganib na muling matumba:

  • Isipin ang iyong pagkatumba. Mayroon bang anumang bagay na naging sanhi ng iyong pagkatumba na maaaring ayusin, alisin, o palitan?

  • Gawing ligtas ang iyong tahanan sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ang mga daanan mula sa mga bagay na maaari mong ikadapa, gaya ng mga kable ng kuryente.

  • Gumamit ng hindi madudulas na sapin sa ilalim ng mga alpombra. Huwag gumamit ng mga basahang para sa isang lugar o maliliit na basahang pangdekorasyon.

  • Gumamit ng hindi madudulas na panlatag sa mga bath tub at shower.

  • Magsabit ng mga hawakan sa tabi ng banyo at sa loob at labas ng shower.

  • Maglagay ng mga hawakan at ilaw sa mga hagdanan. Dapat nasa magkabilang gilid ng hagdan ang mga hawakan.

  • Gumamit ng mga panggabing ilaw.

  • Huwag maglakad sa mga lugar na mahina ang ilaw.

  • Huwag tumayo sa mga upuan o umaalog na hagdan.

  • Mag-ingat kapag umaabot ng bagay na mas mataas sa ulo o tumitingala. Maaaring maging sanhi ng pagkawala ng balanse ang posisyon na ito.

  • Siguraduhing kasya nang maayos ang iyong mga sapatos, nasa mabuting kondisyon, at mayroong hindi madulas na ilalim. 

  • Magsuot ng sapatos sa loob at labas ng iyong bahay. Huwag lumakad nang nakayapak o magsuot ng tsinelas.

  • Maging maingat sa pag-akyat at pagbaba ng mga hagdan, mga gilid ng bangketa, at kapag naglalakad sa hindi pantay na mga bangketa.

  • Kung mahina ang iyong balanse, isaalang-alang ang paggamit ng tungkod o walker. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pagkakaroon ng pagsusuri ng balanse.

  • Kung nauugnay sa paggamit ng alak ang iyong pagkatumba, itigil o limitahan ang pag-inom ng alak. Humingi ng tulong sa iyong tagapangalaga kung sa palagay mo ay maaari kang gumamit ng alkohol nang labis at hindi mo mapigilan.

  • Kung nauugnay sa paggamit ng mga gamot na pampatulog ang iyong pagkatumba, makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa dito. Maaaring kailanganin mong bawasan ang iyong dosis sa oras ng pagtulog kung nagigising ka sa gabi upang pumunta sa banyo.  

  • Para bawasan ang pangangailangan sa mga pagpunta ng banyo sa gabi:

    • Huwag uminom ng mga likido ilang oras bago matulog

    • Umihi bago matulog

    • Maaaring magtabi ang mga lalaki ng ihian sa gilid ng kama

  • Maging aktibo hangga't kaya mo. Nagmumula sa ehersisyo ang balanse, kakayahang umangkop, lakas, at tatag. May papel ang lahat ng ito sa pag-iwas na matumba. Itanong sa iyong tagapangalaga kung aling mga uri ng aktibidad ang tama para sa iyo. Subukang gumawa ng ilang uri ng ehersisyo araw-araw.

  • Ipasuri ang iyong mga mata isang beses sa isang taon o mas madalas kung nagbabago ang iyong paningin

  • Kung mayroon kang mga alagang hayop, alamin kung nasaan sila bago ka tumayo o maglakad para hindi ka madapa dahil sa kanila.

  • Ipasuri ang lahat ng iyong gamot sa isang pharmacist o iba pang tagapangalaga. Para makita kung alinman sa mga ito ang mas malamang na maging dahilan na matumba ka. Gawin ang ganitong pagsusuri ng uri ng gamot kahit isang beses bawat taon.

  • Kung nagpayo ng bagong gamot ang iyong tagapangalaga, itanong kung makakaapekto ang masasamang epekto sa iyong balanse.

  • Huwag magmadali na lumipat mula sa isang posisyon patungo sa isa pa. Halimbawa, huwag tumayo nang mabilis mula sa pagkakaupo. Maaari itong maging sanhi ng pagkahilo at maaaring humantong sa pagkatumba.

  • Umupo kapag nagsusuot ng pantalon, medyas, at sapatos. Magpapababa ito sa iyong kalamangan na mawalan ng balanse at matumba.

  • Laging ipaalam sa iyong tagapangalaga kung nahulog ka mula noong huli mong pagbisita.

  • Makipag-ugnayan kaagad sa iyong tagapangalaga kung nagkakaroon ka ng mga problema sa balanse o mas madalas kang natutumba.

Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Disclaimer