Paghahanda para sa Operasyon Bilang Outpatient
Nakaiskedyul ka para sa operasyon bilang outpatient. Tinatawag din itong operasyon sa parehong araw o para sa mga nakakalakad (ambulatory). Nagbibigay sa iyo ng higit pang impormasyon ang pahinang ito tungkol sa kung paano maghanda. Kung mayroon kang anumang tanong o may anumang tagubilin na hindi malinaw, siguraduhing itanong sa iyong siruhano.
Ang mga linggo bago ang operasyon
-
Ipagawa ang anumang mga pagsusuri ayon sa itinagubilin. Tumutulong ito na ipakita na maayos ang iyong kalusugan para sa operasyon.
-
Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang lahat ng gamot na iyong iniinom. Kabilang dito ang mga inireresetang gamot. Kabilang din dito ang mga gamot na mabibili nang walang reseta, halamang gamot, bitamina, at iba pang suplemento. Sabihin sa iyong tagapangalaga kung umiinom ka ng aspirin, ibuprofen, o gamot upang palabnawin ang iyong dugo o upang maiwasan ang mga pamumuo ng dugo. Maaaring kailanganin mong ihinto ang pag-inom sa ilan o lahat ng ito bago ang operasyon.
-
Sabihin sa iyong tagapangalaga kung mayroon kang mga allergy sa anumang gamot, mga produktong medikal tulad ng latex o tape, o mga pagkain.
-
Kung itinagubilin, tumawag sa pasilidad ng operasyon nang maaga. Sa pagtawag na ito, maaari mong talakayin kung paano magrehistro at punan ang mga form na kinakailangan.
 |
Siguraduhing magkaroon ng anumang mga pagsusuri na iniutos ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. |
Paghahanda sa bahay
-
Mas mahalagang huminto kung naninigarilyo ka, pinakamainam humigit-kumulang 4 na linggo bago ang operasyon.
-
Isaayos na may adultong miyembro ng pamilya o kaibigan na handang ipagmaneho ka pauwi ng bahay pagkatapos ng operasyon.
-
Kung mayroon kang sipon, lagnat, pananakit ng lalamunan, pagtatae, o iba pang problema sa kalusugan, ipaalam mo sa iyong siruhano. Maaari siyang magpasya kung dapat maantala ang operasyon.
-
Kung hindi mo matutupad ang iyong appointment para sa operasyon, ipaalam kaagad sa iyong siruhano at pasilidad ng operasyon.
-
Sa gabi bago ang operasyon o sa umaga ng araw ng iyong operasyon, hugasan ang bahagi na ooperahan kung itinagubilin. Huwag ahitan ang bahagi. Kung kinakailangan, maaaring gupitin o tanggalin ang buhok sa pasilidad ng operasyon.
-
Sundin ang anumang tagubilin na ibinigay sa iyo para sa pag-inom ng mga gamot at hindi pagkain o pag-inom bago ang operasyon.
Pagdating para sa operasyon
-
Alamin kung kailan ka dapat dumating sa pasilidad. Dumating sa tamang oras. Alamin kung saan ka dapat pumunta kapag nakarating ka na sa pasilidad
-
Iwanan sa bahay ang mahahalagang gamit, katulad ng anumang alahas.
-
Magsuot ng kumportableng damit. Huwag maglagay ng makeup o pabango. Dalhin ang iyong salamin sa mata, at huwag gamitin ang iyong mga contact lens.
-
Dalhin ang iyong mga form at card ng insurance. Kung may copayment ito, magdala ng pambayad dito.
Online Medical Reviewer:
Deepak Sudheendra MD
Online Medical Reviewer:
Paula Goode RN BSN MSN
Online Medical Reviewer:
Tara Novick
Date Last Reviewed:
2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.